Iskandal!

Badtrip na naman. Tinawagan ba naman ako at pinagmumumura ng asawa ni Marco sa celfone. Winarningan na ako ni Marco na huwag ko daw sagutin kapag me ibang number na tumatawag, dahil malamang na yun daw yung asawa niya. Akala raw kasi ay nambababae siya dahil nabasa yung isang message ko sa kanya.

Gabi, tinatawagan na ako. pero dahil sa ang ginamit na number niya ay ang number ni Marco (na hindi ko naman talaga akalain na yun na pala yung misis niya!) eh sinagot ko. Tinadtad ba naman ako nang mura.

MISIS NI MARCO: putangina mong malanding babae ka anong relasyon mo sa asawa ko?
AKO XEMPRE: ah eh. wala po akong relasyon kay Sir Marco. empleyado niya po ako…
MISIS NI MARCO: *natigilan pansumandali* anak nang…. lalaki ka pala?

Inend niya ang call niya saka nagtetetext na lang sa akin.

MISIS NI MARCO: nabasa ko kasi yung mga text mo nung Sunday eh. parang may relasyon kayo.
AKO XEMPRE: nagkakamali po kayo. paano naman ho kami magkakaroon ng relasyon gayong pareho kaming lalaki. pwede po ba yun?
MISIS NI MARCO: iba kasi yung mga text mo. nakikipagkita ka.
AKO XEMPRE: namisinterpret niyo lang po. me pipick-apin po kasi kaming items, kaya kailangan siya para pirmahan.

Hindi na muli pang nagreply ang misis niya. Maaaring natauhan, maari rin namang mas lalong nagduda. Ano sa tingin niyo?

14 Tugon to “Iskandal!”

  1. natauhan yun..o malamang sa hindi eh super hiya na siya ngayon..ako man hindi magseselos sa kapwa lalaki ng bf ko nu..hayz…

    Denz: oo malamang nga. pareho tayo ng iniisip. hehehe!

  2. jusko pineapple orange!
    malamang nagpapaimbestiga! hahahahah😀
    wag mabahala, may sumusunod na sa yong private detective :p

    peace!

    Denz: wag naman sana. baka kung anong gawin sakin, maaaring ipapatay ako. sana hindi naman ganun katindi ang mga nagawa ko.

  3. napahiya lang yung misis nun sayo hahaha.. napaisip yun bigla…

    http://hiraya.co.nr

    Denz: sana nga ganun lang.

  4. naku yari ka. ano nga kaya yung nasa isip nung asawa niya? tingin ko mas lalong nagduda. nya hahahaha!

    Denz: wag naman.

  5. what a wonderful world!
    hehehe keep blogging.

    Denz: tnx.

  6. hello🙂 ang kwela ng mga stories mo!🙂

    hehehehhee

    Denz: salamat po🙂

  7. ingat ingat!!
    baka mahuli…

    Denz: hehehe! huli na nga eh. nya hahaha!

  8. hahaha..malamang napahiiya na yun..pero siempre me doubt pa rin..galing ng strategy mo kuya.hahaha,,mabuhay ka..

  9. yan ang lesson nya.. wag ma ngialam ng celphone ng may celphone..ayan tuloy she mis judge you hehe.. nga pala na add n kta. keeping blogging.🙂

    Denz: oo nga eh. kaso hindi niya ako namisjudge. nagkamali lang siya sa pagiisip na babae ako yun pala lalaki ako ng asawa niya nya hehehehehe!

  10. malamang mas lalong nagsikip dibdib nun kc me duda na kung ano asawa nya.

  11. mag duda yun tingin ko ang mga babae kasi natural na malakas ang instinct so ngayon papalagpasin ka pero para mag kaka hint na yan so beware! yung gf ko nga kunwari mag dududa sakin or magagalit just to check kung may ginagawa akong kalokohan…

    >>> mang BADoy

    add moko tol!

  12. hey, pwede maging frend ka? anu number mo?

  13. hehe natutuwa naman ako sa sharing mo. reality that bites…

  14. fiction??? hmmm i like it sinu ba yung babaeng yun hey… do you have friedster kindly add me raphmanuel88@yahoo.com

    thanks…

    i like ur pages

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: