Archive for the Uncategorized Category

Sa Mga Nabitin…

Posted in Uncategorized on Oktubre 19, 2008 by denztarca

WARNING:

ang lahat po ng naisulat na kuwento sa blog na ito ay mga tunay na karanasan ng isang KOLBOY/MACHO DANCER na NURSING STUDENT sa St. Jude, Manila. Siya po si Denz Tarca.

AKO po ang tunay na sumusulat ng KWENTO niya base sa mga ikinukuwento niya sa akin. Kaibigan ko po siya at ako ang hingahan niya ng mga problema at sama ng loob. Ako rin ang kinukuwentuhan niya ng LAHAT ng kanyang mga KARANASAN sa pang araw-araw na BUHAY!

sa ngayon… hindi na po nagpatuloy ng pag-aaral si Denz Tarca. maraming problema at hindi rin naman nursing ang gusto niya talagang KURSO. sabi ko nga sa kanya na SIYA na lamang ang MAGKUWENTO ng mga kuwento niya. araw-araw kasi eh mas dumarami pa ang mga nangyayari sa buhay niya bilang isang kolboy at hindi na isang macho dancer.

hindi raw siya marunong sumulat ng kuwento.

kaya sa tingin ko… wala na ang kolboy/macho dancer niyo.

http://karakrus.wordpress.com

Matrona

Posted in Uncategorized with tags , , , , , on Marso 14, 2008 by denztarca

“Ladies and Gentlemen, the most provocative Mr Denz!”

Sa aking pag iisa
Di maiwasang maalala ka
tamis ng iyong halik,
paulit-ulit na nagbabalik
at nasasabik pag iniisip ka sa pag iisa

Walang-sawa ang aking pagsasayaw. Gabi-gabi, walang hinto, walang humpay. Kinakailangan kong ibilad ang aking katawan sa madla upang mabuhay sa malupit na mundong ito.

sa aking pagiisa,
ang yakap mo ay hanap hanap pa
haplos ng iyong kamay ay pilit ko paring gingagaya
habang hawak k0 ang larawan m0 at nagiisa

Tanging ang itim na brief na lamang ang natitirang saplot sa aking katawan… sige lang sa paggiling na parang wala nang bukas, sa isang malamyos na tugtugin na nagsisilbing pantasya kaninumang nakakikita… Isa-isa kong nilalapitan ang bawat aninong nagtatago sa dilim. Pinahahawakan at pinakikita ang pinagkakakitaang bahagi ng katawan.

Ilan lamang sila sa mga nakakita, nakatikim at patuloy na nagpapantasya sa ipinagmamalaki kong kariktan. Ang buhay nga naman. Paano ko pa matatapos ang Nursing ko kung hindi ko gagawin ang mga bagay na ito? Paano pa ako makakabangon sa putikang kinasasadlakan ko. Kung hindi magiging matibay ang sikmura ko sa ganitong uri ng gawain.

kung magkikita tayong muli,
hindi k0 na ikukubli
na nais madama muli ang iyong pagibig,
kahit sandali
ibigin mo ako ngayon at bukas ay iwanan mo ak0
ng bagong alaala sa aking pag iisa

Pasimpleng iniiipit ng ilang matrona at bakla ang ilang papel na salapi sa gilid-gilid ng aking brief, at paminsang pinipisil ang nagtatagong laman sa likod nito. May kumukurot, may humihimas, may napapanganga. Bakit nga ba kayhirap nitong buhay kong ito.

sa aking pagiisa,
ang yakap m0 ay hanaphanap pa
hapl0s ng iyong kamay,
ay pilit k0 paring ginagaya
habang hawak k0 ang larawan m0 at nagiisa

Nang matapos ang aking dance number. “Denz, table 4!” ang wika ni Ulysis. Dahan-dahan akong nagtungo sa Table number 4 na ang tanging nasilayan ko ay isang Matandang babae, kuntodo alahas, na hindi ko rin naman malaman kung totoo ba o hindi dahil na rin sa kadiliman. May katabaan, at kumikinang ang mga labi dahil sa lipistik. Nagkuwentuhan kami, na para bang matagal nang magkakilala. Para bang magkaibigan lang.

Paminsan-minsan ay hinihimas niya ang ibabang bahagi ng aking katawan hanggang sa magalit ito. Lalo pa siyang nasiyahan. Naka-apat na bote pa lamang ako ng macho drink, at hindi pa tinatamaan. Pasimple niyang inilabas ang aking pag-aari saka marahang tinikman. Paulit-ulit hanggang sa magsawa. Para ring bakla ang babaeng ito.

Ibinigay niya ang kanyang celphone number. Tawagan ko raw siya mamayang tanghali, sabay na kaming mananghalian.

marka ng demonyo!!!

Posted in Uncategorized with tags , , , , , , , , , , on Marso 10, 2008 by denztarca
666.jpg

I received a txt message this afternoon from one of my friend. ang nakasaad ay ganito

President GMA approved the P150 Million budget for the UNIFIED MULTI (666) SSS ID SYSTEM. DZRH reported! Nagstart na…microchip or biochip i-inject in hand or forhead of men which they call Lifetime savings. In US next in Philippines. Dami nagpatatak o nagpa inplant according to TIME MAGAZINE Plz. pas to all CHRISTIAN..

Naalala ko ito…

The BIBLE ; Revelation 13:16 to 18

16. The beast forced all the people, small and great, rich and poor, slave and free, to have a mark placed on their right hands or on their foreheads.

17. No one could buy or sell without this mark, that is, the beast’s name or the number that stands for the name.

18. This calls for wisdom. Whoever is intelligent can figure out the meaning of the number of the beast, because the number stands for the name of someone. Its number is 666.

——————————————–

So i tried to search on kung gaano katotoo ito..i try to search sa TIME MAGAZINE website at ito ang nakita ko

Biochips for Everyone!
Wednesday, Nov. 09, 2005
By DAREN FONDA

If someone proposed injecting a computer chip in your arm and said it could save your life, would you do it? As Orwellian as it sounds, VeriChip is betting this will be a billion-dollar business. The firm’s parent company, Applied Digital Solutions, won FDA approval last year for what it bills as the “world’s first human implantable microchip.” A radio-frequency identification (RFID) transponder the size of a grain of rice, the VeriChip contains a 16-digit personal ID number that can be scanned like a bar code, providing health-care workers access to your medical records online. That could be lifesaving in an emergency, cutting the likelihood of medical errors for accident victims, Alzheimer’s patients–anyone who can’t communicate or lacks ID. So far, only about 60 Americans have been chipped, mainly Applied Digital employees in Delray Beach, Fla. But the company says 58 hospitals are adopting the technology, a number it expects will expand to 200 by 2007.

Dr. John Halamka, chief information officer of Harvard Medical School, got chipped last year and says he hasn’t experienced negative side effects. He acknowledges that colleagues find the chip dehumanizing. Security experts are worried that the system can be hacked. And there are concerns that chips could one day be used to monitor the movement of those with implants. And the chip isn’t cheap: the suggested retail price is $200 and isn’t covered by insurance.

Applied also sees an opportunity in the security business. It has shipped 7,000 chips worldwide and figures about 2,000 have been implanted. Applied CEO Scott Silverman hopes to sell chips to the Pentagon, the CIA and the FBI–feeding into X-Files-type fears of biochipped government agents lording over the citizenry. A novel use: Baja Beach Club, a European nightclub chain, is offering “VipChip membership” to speed patrons through the ropes in Barcelona and Rotterdam. Some 430 clubgoers have signed on–at $1,300 apiece.

Source: http://www.time.com/time/magazine/article/0,9171,1118348,00.html

——————————————–

Then i try to search also the Executive Order of PGMA and ito ang nakita ko

Arroyo orders release of P750M for unified ID system
02/19/2008 | 09:59 PM

President Macapagal Arroyo on Tuesday ordered Budget Secretary Rolando Andaya Jr to release P750 million for the implementation of the Unified Multi-Purpose Identification (UMID) System.

Press Secretary Ignacio Bunye said the system would unify the existing IDs of the National Statistics Office (NSO), Social Security System (SSS), Government Service Insurance System, and Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth)

Bunye said Mrs Arroyo wanted Metro Manila informal settlers, electricity discount coupon holders, social welfare services beneficiaries, and Pag-IBIG Fund members covered by the ID system.

He said SSS Chairman Corazon de la Paz presented the update on the unification scheme during a Cabinet meeting in Malacañang on Tuesday.

Bunye said the government was on target in its implementation of the system, except for the Central Verification and Enrollment Agency and the Biometrics Data Matching Center components of the NSO ID system that needed funds.

“It’s just a matter of adopting a common reference number for all this ID system. So we’re on track. The release would further accelerate the implementation UMID system,” he said.

Executive Order 420 transfered the implementation of the ID system to the SSS from the National Economic and Development Authority.

SSS Vice President May Catherine Ciriaco said the NSO would need an additional P250 million in 2009 to implement the system.

She said Philhealth would need P1 billion for the system’s initial set up this year, and P2 billion next year.

Ciriaco said the needed funds could be charged against the Philhealth Operating Cost and e-Gov Fund.

She said the 10 million ID cards that were issued by the SSS could already qualify as “transition-UMID cards.”

UMID cards will be issued to new SSS applicants starting this year, according to Ciriaco. –

Source: http://www.gmanews.tv/story/81306/Arroyo-orders-release-of-P750M-for-unified-ID-system

——————————————–

FAU RAFILI: hindi bat nakakatakot mga kaibigan? magsisi na tayo sa ating mga kasalanan. palaging magdasal. at huwag na huwag magpapatatak… basta ako NEVER! Over My Dead Body!

PRINSIPE DILAN: oo nga naman. alam ko na yan noon pa. pero hindi ko akalaing masyadong mapapaaga ang pagdating niyan. ako din hindi ako magpapapatatak.

PRINSES CLEO: OMG! ano to??? can’t believe it… pero naniniwala ako. hindi rin ako magpapalagay niyan.

DENZ: anak nang! bakit nagkakaganito na? nakakakaba naman to? pano pag hindi nagpalagay? malamang maparusahan!

——————————————–

PLEASE PRAY MGA KAIBIGAN… isa itong napakainteresanteng tag. Kaya tinatag ko ang lahat ng nasa listahan ko na i-repost ang buong balitang ito sa kanilang blog kasama ang kanilang nais na sabihin sa bandang itaas ng linya bago ang parteng ito.

Iskandal!

Posted in Uncategorized on Marso 8, 2008 by denztarca

Badtrip na naman. Tinawagan ba naman ako at pinagmumumura ng asawa ni Marco sa celfone. Winarningan na ako ni Marco na huwag ko daw sagutin kapag me ibang number na tumatawag, dahil malamang na yun daw yung asawa niya. Akala raw kasi ay nambababae siya dahil nabasa yung isang message ko sa kanya.

Gabi, tinatawagan na ako. pero dahil sa ang ginamit na number niya ay ang number ni Marco (na hindi ko naman talaga akalain na yun na pala yung misis niya!) eh sinagot ko. Tinadtad ba naman ako nang mura.

MISIS NI MARCO: putangina mong malanding babae ka anong relasyon mo sa asawa ko?
AKO XEMPRE: ah eh. wala po akong relasyon kay Sir Marco. empleyado niya po ako…
MISIS NI MARCO: *natigilan pansumandali* anak nang…. lalaki ka pala?

Inend niya ang call niya saka nagtetetext na lang sa akin.

MISIS NI MARCO: nabasa ko kasi yung mga text mo nung Sunday eh. parang may relasyon kayo.
AKO XEMPRE: nagkakamali po kayo. paano naman ho kami magkakaroon ng relasyon gayong pareho kaming lalaki. pwede po ba yun?
MISIS NI MARCO: iba kasi yung mga text mo. nakikipagkita ka.
AKO XEMPRE: namisinterpret niyo lang po. me pipick-apin po kasi kaming items, kaya kailangan siya para pirmahan.

Hindi na muli pang nagreply ang misis niya. Maaaring natauhan, maari rin namang mas lalong nagduda. Ano sa tingin niyo?

Si Marcong Silahis

Posted in Uncategorized with tags , , , , , , , , , , , on Marso 7, 2008 by denztarca

Isa…. teka malapit na naman ang April 4, magdadalawang taon na kami ng jowa kong si Marco. sa totoo lang hindi naman basta jowa lang ang tingin ko sa kanya. kundi isang Kaibigan. Dalawang taon na kaming nagbibigayan.

Si Marco, nasa 28 na siya. may maayos nang buhay. may isang anak na lalaki at isang anak na babae. wala naman siyang kinukuwento tungkol sa asawa niya. Kabaligtaran siya ni Emerson. Si Emerson ay may parlor-business sa Pampanga samantalang siya ay isang Engineer. may magandang bahay at magagarang sasakyan. pero batid niya pa rin ang pakikitungo sa mga dukha. Kilala siya ng mga kabarkada at katropa ko. Dalawang taon ko na rin kasi silang isinasama sa mga lakad namin, gaya ng bilin niya. Sabi niya sa amin… hindi niya na-enjoy ang pagkabata niya, batak siya sa trabaho at mag-isang bumuhay sa mga kapatid niya. Kaya ngayong ayos na ang buhay niya, hinahanap na niya ang mga barkada.

Ilang buwan na rin ang nakakaraan nang makaharap ko ang buong pamilya niya, hindi bilang karelasyon niya kundi gaya ng sinabi niya… isang kaibigan, kumpare. naniwala naman sila. Kasama ko rin ang isa ko pang barkada… at umabot pa sa puntong, kainuman ko na pati ang mga kumpare at mga kamag-anak niya. wala silang clue kung ano ako ni Marco. at hindi namin sila binigyan kahit isa. Magaan ang loob ko kay Marco, pati mga katropa ko. siguro dahil sa likas niyang kabutihan. walang lokohan. tumutulong rin siya sa oras ng kagipitan. ang tanging iniaalay ko sa kanya kapalit ng lahat-lahat. ay ang isang makasaysayang sayaw at ang aking murang katawan.

Mahal niya ba ako dahil kailangan niya ako. O kailangan niya ako kaya mahal niya ako. Kayo na ang humusga.

Emerson: Baklang Sugarol!

Posted in Uncategorized with tags , , , , , , , , , on Marso 6, 2008 by denztarca

BADTRIP! pano ba naman. nalaman ko sa isa kong kaibigan na muntik na akong patayin ng mga kamag-anak ng jowa kong si Emerson. si Emerson ay isa sa dalawang baklang naging jowa ko. hindi kasi ako stick to 1 dahil kung sino ang gusto pinagbibigyan ko. bakit ba? kailangan kong mabayaran ang mga gastusin lalo na ang tuition fee sa school ko.

Mabait si Emerson, sobra. lalo pag kaharap ang mga kabarkada ko. wala na sanang maipipintas sa kanya kaso nga lang SOBRANG SUGAROL. madalas niya akong isinasama sa Pampanga. sa mismong lugar nila, minsan nakakapag-stay ako dun ng mga ilang araw lalo na kapag wala kaming pasok. buti na lang kamo, umuwi yung isa kong kabarkada na kalugar nila sa Pampanga. na siyang nagpakilala sakin ke Emerson. pinaghahanap na pala si Emerson sa kanila dahil ginastos nito ang mga pambayad ng bills. malamang malaki-laki yun. at dahil ako ang kilalang jowa niya sa kanila, sa akin nakabunton ang galit ng lahat. anak nang pating! bakit sakin? eh wala namang ibinibigay na pera sakin lately si Emerson, tapos porke naisugal niya lang yung pera ng buong pamilya niya ako na agad ang sinisisi. inaabangan na pala ako ng mga kapamilya niya doon at babanatan nako. who knows? baka patayin pa ako at mabalitaan na lang na lumulutang sa ilog. anak nang pating naman o!

Kaya nang malaman ko yun. e di nakipag-break na kagad ako sa kanya. right then and there. kahit nagmamakaawa pa siya. pinakitaan ko siya ng mabuti. tapos mamatay na lang ako nang walang kalaban-laban. magiging tapat at kuntento na lang ako sa jowa kong si Marco. at least mas mapera, mas mabait at mas close ng mga kabarkada ko yun. yun nga lang me asawa’t mga anak na yun.

ang macho dancer.

Posted in Uncategorized on Marso 4, 2008 by denztarca

ako si Denz, isang macho dancer…

hindi ko malaman kung bakit ginawa ko ang blogsite na ito. siguro, para i-express ang mga saloobin ng isang macho dancer na katulad ko. may pinag-aralan nga ako pero bakit nga ba ako nasadlak sa ganitong pamumuhay?

subaybayan ang kuwento ng isang nursing stud na macho dancer, isang mananayaw sa dilim na nagkukubli sa mga nagtatampisaw na anino sa karimlan. ako si denz, ang mananayaw… at ito ang kwento ko. halina’t sumayaw kasama ko.