Imbak para sa asawa

Si Marcong Silahis

Posted in Uncategorized with tags , , , , , , , , , , , on Marso 7, 2008 by denztarca

Isa…. teka malapit na naman ang April 4, magdadalawang taon na kami ng jowa kong si Marco. sa totoo lang hindi naman basta jowa lang ang tingin ko sa kanya. kundi isang Kaibigan. Dalawang taon na kaming nagbibigayan.

Si Marco, nasa 28 na siya. may maayos nang buhay. may isang anak na lalaki at isang anak na babae. wala naman siyang kinukuwento tungkol sa asawa niya. Kabaligtaran siya ni Emerson. Si Emerson ay may parlor-business sa Pampanga samantalang siya ay isang Engineer. may magandang bahay at magagarang sasakyan. pero batid niya pa rin ang pakikitungo sa mga dukha. Kilala siya ng mga kabarkada at katropa ko. Dalawang taon ko na rin kasi silang isinasama sa mga lakad namin, gaya ng bilin niya. Sabi niya sa amin… hindi niya na-enjoy ang pagkabata niya, batak siya sa trabaho at mag-isang bumuhay sa mga kapatid niya. Kaya ngayong ayos na ang buhay niya, hinahanap na niya ang mga barkada.

Ilang buwan na rin ang nakakaraan nang makaharap ko ang buong pamilya niya, hindi bilang karelasyon niya kundi gaya ng sinabi niya… isang kaibigan, kumpare. naniwala naman sila. Kasama ko rin ang isa ko pang barkada… at umabot pa sa puntong, kainuman ko na pati ang mga kumpare at mga kamag-anak niya. wala silang clue kung ano ako ni Marco. at hindi namin sila binigyan kahit isa. Magaan ang loob ko kay Marco, pati mga katropa ko. siguro dahil sa likas niyang kabutihan. walang lokohan. tumutulong rin siya sa oras ng kagipitan. ang tanging iniaalay ko sa kanya kapalit ng lahat-lahat. ay ang isang makasaysayang sayaw at ang aking murang katawan.

Mahal niya ba ako dahil kailangan niya ako. O kailangan niya ako kaya mahal niya ako. Kayo na ang humusga.

Advertisements