Imbak para sa dancer

Emerson: Baklang Sugarol!

Posted in Uncategorized with tags , , , , , , , , , on Marso 6, 2008 by denztarca

BADTRIP! pano ba naman. nalaman ko sa isa kong kaibigan na muntik na akong patayin ng mga kamag-anak ng jowa kong si Emerson. si Emerson ay isa sa dalawang baklang naging jowa ko. hindi kasi ako stick to 1 dahil kung sino ang gusto pinagbibigyan ko. bakit ba? kailangan kong mabayaran ang mga gastusin lalo na ang tuition fee sa school ko.

Mabait si Emerson, sobra. lalo pag kaharap ang mga kabarkada ko. wala na sanang maipipintas sa kanya kaso nga lang SOBRANG SUGAROL. madalas niya akong isinasama sa Pampanga. sa mismong lugar nila, minsan nakakapag-stay ako dun ng mga ilang araw lalo na kapag wala kaming pasok. buti na lang kamo, umuwi yung isa kong kabarkada na kalugar nila sa Pampanga. na siyang nagpakilala sakin ke Emerson. pinaghahanap na pala si Emerson sa kanila dahil ginastos nito ang mga pambayad ng bills. malamang malaki-laki yun. at dahil ako ang kilalang jowa niya sa kanila, sa akin nakabunton ang galit ng lahat. anak nang pating! bakit sakin? eh wala namang ibinibigay na pera sakin lately si Emerson, tapos porke naisugal niya lang yung pera ng buong pamilya niya ako na agad ang sinisisi. inaabangan na pala ako ng mga kapamilya niya doon at babanatan nako. who knows? baka patayin pa ako at mabalitaan na lang na lumulutang sa ilog. anak nang pating naman o!

Kaya nang malaman ko yun. e di nakipag-break na kagad ako sa kanya. right then and there. kahit nagmamakaawa pa siya. pinakitaan ko siya ng mabuti. tapos mamatay na lang ako nang walang kalaban-laban. magiging tapat at kuntento na lang ako sa jowa kong si Marco. at least mas mapera, mas mabait at mas close ng mga kabarkada ko yun. yun nga lang me asawa’t mga anak na yun.